W I K A

Jessie Grace U. Rubrico





LINGGWISTIKS

Ang linggwistiks ay ang syentipikong pag-aaral ng wika. Sinusuri nito ang aktwal na paggamit ng wika sa mga katutubong nagsasalita (native speaker) nito. At binabakas nito ang mga pagbabago na nangyayari sa wika sa loob ng ilang dantaon. Ang paglalarawan sa aktwal na gamit at istruktura ng wika ay tinatalakay sa synchroniclinguistics, na kung minsan ay tinatawag ring descriptive o structural linguistics. Ang pagbabakas naman ng pagbabago paglipas ng iilang dantaon ay siyang sinusuri sa diachronic o historical linguistics.

Singkronikong linggwistiks

Ito ang sangay ng linggwistiks na naglalarawan sa wika sa isang partikular na panahon. Tinatalakay dito ang mga alituntunin sa pagsamasama ng mga tunog o ponema (ponolohiya), sa pagbubuo ng mga salita o morpema (morpolohiya), at ang pagbubuo ng mga prase at pangungusap (sintaks) upang sa ganon ay makagawa ng isang gramatika na nagpapahayag sa nalalaman sa isang katutubong nagsasalita tungkol sa kanyang wika (linguistic competence). Ang pagsusulat ng mga gramatika at diksyonario ng isang wika ay mga bunga sa pag-aaral na ito.

Ponolohiya. Tinatalakay sa ponolohiya ang mga tunog sa isang wika; ang mga alintuntunin sa pagkasunod-sunod ng mga ito; ang pagpapantig; at ang mga proseso na nagaganap sa mga ponema dahil sa mga katabi nitong ponema, o iba pang dahilan. Ang bawat wika ay may kabuuang imbentaryo sa lahat na tunog na ginagamit nito. Ang mga sumusunod ay ang mga tunog sa Filipino: ang mga katinig, / p. b. m, w, f, v, t, d, n, s, l, r, ts, j, y, k, g, ng, ?, h /; at ang mga patinig /i, e, a, o, u/ .


 

Tatlong bagay ang kailangan upang mabigkas ang isang tunog: hangin galing sa baga; ang babagtingan o larynx kung saan naroon ang vocal folds; at, ang vocal tract na binubuo ng lalaugan (pharynx), bibig, at guwang ng ilong (Tingnan ang Fig. 1 sa ibaba).

Ang mga tunog ay maaring uriin batay sa bahagi ng vocal tract kung saan ito nabibigyang realidad -- pharyngeal, kung sa pharynx; nasal, kung sa guwang ng ilong; at, oral kung sa bibig. Nasa bibig ang dila, ngipin, mga labi, ngalangala [palate at velum] na siyang nagbibigay anyo ng mga ponema. (Tingnan ang Fig. 2).:

Ang ponemang / p /, halimbawa, ay mabigyang realidad sa pamamagitan ng pagsara ng dalawang labi. at pagbukas nito. Ganoon din ang ponemang / b /, kaya lang nagba-vibrate ang vocal cords pagbigkas nito --kung kaya ito ay tinatawag na voiced at ang / p / ay voiceless.

Ang paraan sa pagbigkas ay isa ring mahalagang batayan sa pag-uuri ng mga katinig. Ang / p / ay tinatawag na stop kasi hinaharangan muna ng dalawang labi ang hangin bago ipalabas sa bibig. Dalawa lamang ang stops sa mga panlabing ponema /p, b/. Ang mga ponemang nasal naman ay pinapalabas sa guwang ng ilong. Nilalapat ang dila sa ngalangala upang hindi lalabas sa bibig ang hangin. Ang mga tunog na "binibigkas nang paimpit sa bungad ng bibig" (Santos, et. al., 1995: p.475) ay tinatawag na prikatib (fricative). Ang mga ponemang napabilang nito ay may kasamang ingay na pasutsot. Ang affricate ay ang mga ponemang nagsisimula bilang stop at nagtatapos bilang prikatib. Tuloy tuloy rin ang labas ng hangin sa pagbigkas ng mga ponemang likwid (liquid) ngunit ang mga ito’y walang kasamang ingay na pasutsot. Ang mga ponemang /w at y/ ay tinatawag na semi-vowel o malapatinig.

Samakatuwid ang nga katinig ay maaring uriin alinsunod sa paraan at sa punto ng kanilang artikulasyon. at sa pamamagitan ng aksyon ng mga vocal fold (voiced o voiceless). Tingnan ang tsart sa mga katinig sa Filipino sa  Hanayan 1

                                                                                         Hanayan 1 Mga Katinig sa Wikang Filipino
 

PARAAN NG PAGBIGKAS
P U N T O  N G  A R T I K U L A S Y O N
- / +
voi
sa labi ngipin at labi gilagid (alveolar) ngala-ngala  velum
titigukan (glottal)
pasara (stop) - v
+ v

b
 
t
d
 

g
?
prikatib  - v
+ v
 

v
s
   
h
afrikit  - v
+ v
     
 ts
   
nasal + v
m
 
n
 
ng
 
likwid + v    
l, r
     
malapatinig + v
w
   
y
   

 

Ang mga patinig naman ay inilalarawan sa pagitan ng posisyon ng dila --(1) harap, gitna, at likod; (2) sa taas ng dila; (3) at sa pagbibilog ng mga labi. Ang vowel tsart sa mga patinig sa Filipino ay nasa Hanayan 2.

                                                                                 Hanayan 2 Tsart sa mga Patinig sa Filipino
 
 

Harap Sentro Likod
2 Mataas
i
u3
Gitna
e
 
o3
Mababa  
a
 

Ang pagbubuo ng mga pantig ay magagawa kung alam natin ang mga alituntunin sa pagkasunod-sunod ng mga tunog na ito (phonotactics). May mga tunog na maaring magkatabi at meron namang hindi. Halimbawa, hindi pinapayagang magkasunod ang dalawang magkaparehang konsonant. Ang alituntuning ito ay tinatawag na phonotactic constraints.

Tinutuonan din nga pansin sa ponolohiya ang mga alituntunin na may kinalaman sa pagbabago ng tunog sa isang ponema dahil sa katabi nitong tunog. Isa nito ay ang asimilasyon ng mga tunog na Nasal - /N / --kung ang mga ito ay linalagyan ng panlapi o afiks.
 

                                                                              Hanayan 3 Mga halimbawa ng nasal na asimilasyon
 

(1) pang + bata > pa N + bata > pambata
(2) pang + bansa > paN + bansa > pambansa
(3) pang + tusok > paN + tusok > pantusok > pannusok > panusok
(4) pang + kahoy > paN + kahoy > pangkahoy > pangahoy
(5) pang + karga > paN + karga > pangkarga > pangngarga > pangarga

Nag-iiba ang anyo sa panlaping pang- alinsunod sa mga tunog na sumusunod nito. Ang "bata" at "bansa" ay nagsisimula sa ponemang /b/ na nagkakaroon ng realisasyon sa pagsara at pagbuka ng dalawang labi. Ang tawag nito ay bilabial. Ang bilabial na tunog na ito ang nangangailanan ng Nasal na bilabial rin, samakatuwid, /m/. Ang ponemang /t/ naman sa "tusok" ay alveolar, nabibigkas sa pamamagitan ng paglapat ng dila sa ngalangala. Ito ay nangangailangan ng Nasal na alveolar din, samakatuwid, /n/, at ito ay naging pantusok. Ngunit ang mga ponemang /n at t/ ay parehang alveolar at pinapayagang magkaroon ng asimilasyon ang /t/ at upang ito ay maging /n/ . Ang resulta nito ay ang salitang "pannusok" na hindi naman tanggap dahil sa phonotactic constraint na hindi pinapayagang magkatabi ang magkaparehang konsonant. Kaya kailangang tanggalin ang isang /n/ sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na deletion o pagtatanggal ng ponema. Ito ang tinatawag na ganap na asimilasyon. Ito din ang nangyari sa mga halimbawa bilang 4 at 5. Nagkaroon ng ganap na asimilasyon ang mga ponemang /?/ at /k/. Ang /?/ ay velar Nasal na siyang kinakailangan na katambal sa /k/ na nabibigkas rin sa punto ding iyon.

Morpolohiya. Ang mga pantig ay maaring pagsamasamahin upang makabuo ng mga morpema. Ang morpema ay ang isang kombinasyon ng ponema na may kahulogan. Ang mga ponema ay walang kahulogan. Sila ay mga representasyon lamang ng mga tunog. Ngunit kung silay pagsamasamahin, silay makakabuo ng isang konstruksyon na makahulogan. Ang morpolohiya ay tumatalakay sa mga proseso at mga alituntunin sa pagbubuo ng mga salita sa isang wika.

Isa sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa Filipino ay ang paglalapi (affixation). May tatlong uri ng panlapi sa Filipino: unlapi-, -gitlapi-, at hulapi-. Sa isang salitang ugat ay maaring mabuo ang 50 o mas mahigit pang salita dahil sa paglalapi. Halimbawa, ang salitang ugat na "bili" ay maaring magbigay ng sumusunod na mga salita: ibili, ibibili,, ibinili, ipagbili, ipinagbili, binili, binibili, bilhin, bibilhin, bumili, bumibili, atbp.

Isa pang proseso ay ang tinatawag na compounding. Ito ay ang pagtatambal ng dalawang salita upang ang tambalang iyon ay magkaroon ng bagong kahulogan. Halimbawa, sampay-bakod, akyat-bahay, bantay-salakay, ligaw-tingin, kapit-patalim, akyat-panaog, dagdag-bawas, atbp.

Ang blending naman ay ang pagsamasama ng mga parti ng dalawa o higit pang mga salita upang mabuo ang isang salita na may bagong kahulogan. Halimbawa: ang tapsilog ay galing sa tapa, sinangag at itlog; ang iskargu, sa isda, karne, at gulay; ang brenda, sa brain damage; ang tradpol o trapo, sa traditional politician; ang altanghap, sa almusal, tanghalian, at hapunan.

Ang mga ito ay iilan lamang sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa wika.

Pansinin naman natin ngayon ang tatlong alituntunin sa morpolohiya: ang paglalapi, metatesis at ang deletion o ang pagtatanggal ng ponema.
 

Hanayan 4 Halimbawa ng mga proseso sa morpolohiya
Paglalapi Deletion Metatesis
(6) silid > silid + -an > silidan > sildan > sidlan
(7) bili > bili + -han> bilihan > bilhan  

Ipinapakita sa (6) kung paano naging "sidlan" ang salitang ugat na "silid" --itoy nilapian ng hulaping -an at ang nabuong salitang "silidan" ay tinanggalan ng isang ponema (ang huling patinig sa salitang ugat), at makikita ang pagpalit ng pwesto ng mga ponemang / d / at / l /. Pinapakita naman sa (7) ang paglalapi at deletion..

Sintaks. Ang sintaks ay ang kombinasyon nga mga salita upang makakabuo ng mga prase at ang pagsasamasama ng mga praseng ito upang makakabuo ng pangungusap o sentens. Ito ay may dalawang bahagi, linear at hierarchical. Upang mas maintindihan ito, tingnan ang mga halimbawa sa ibaba:
 
 

Hanayan 5 Halimbawa ng Linear na kaayusan ng pangungusap
Pangungusap Panaguri Simuno
(8) Maganda ang dalaga. > Maganda  ang dalaga
(9) Tumakbo ang pulis. > Tumakbo ang pulis 
(10) Bumili ng masarap na pansit 
       ang mabait na pulis > 
Bumili ng masarap na pansit ang mabait na pulis.
(11) Nagpatayo ng magarang 
       bahay ang mayor >
Nagpatayo ng magarang bahay ang mayor

Ang linear na kaayusan sa mga sentens sa itaas ay Panaguri + Simuno. Tawagin nating PV ang ating Panaguri (Praseng Verbo) at PN (Praseng Noun) naman ang ating Simuno. Samakatuwid, ang linear na kaayusan ay maisulat sa ganitong pormula:

P.1        S ----> PV +  PN

na ang ibig sabihin ay ang S [sentens o pangungusap] ay maaring ipahayag bilang kabuuan ng Praseng Verbo at Praseng Noun.

Tunghayan naman natin ang hierarchical na kaayusan sa mga sentens bilang 8 hanggang 11. Ang kaayusang ito ay may kinalaman sa mga salitang bumubuo sa mga prase. Ang mga salitang ito ay tinatawag na constituent. Ang PV sa bilang 8 at 9 ay binubuo ng tig-iisang salita lamang—maganda (adjective) at tumakbo (verb). Samantalang ang sa 10 at 11 ay binubuo ng mga prase na may pandiwa o verb (PV)--bumili at nagpatayo—at ng obheto (object) ng verb na pawang mga praseng noun (PN). Ang mga PV natin ay maaring isulat bilang ganito:

P.2        PV ---> PRASENG AJDECTIVE/

                                                                                                                       VERBO/
             VERBO  +  PN

Ang Praseng Noun naman ay binubuo ng isang marker o pananda at ng isang noun o pangngalan. Kaya ang praseng ito ay maaring isulat sa pormulang:

P.3        PN  --->  M  +  N

Tunghayan naman natin ang ating simuno o PN na binubuo ng marker na "ang" at ng isang noun, sa bilang (11), may adjective ang noun. Samakatuwid, ang PN ay maaring isulat bilang:

P.4        PN  -->  M  +  ADJ  + N

Ang PN ay maaring mabuo sa pamamagitan ng isang maker ng noun, ng adjective na maaring opsiyonal, at ng isang obligatori noun. Ang mga opsyonal na komponenet ng prase ay nilalagay sa loob ng parentesis.

Ngayon maari na nating pagsamasamahin ang mga pormula natin na naglalarawan sa kabuuan ng mga constituent ng ating sentens. Sa paggawa natin nito ay mailarawan na rin natin ang hierarchical na kaayusan ng sintaks sa sentens na ito.

                           P.1        S  ---->   PV  +  PN
                           P.2        PV --->  PAdj /  V + PN
                           P.3        PN --->  M  + (PAdj  +  linker)  +  N

(Ang linker ay ginagamit sa pag-uugnay ng adjective sa noun sa praeng ito.)

Upang maipakita ang hierarchy ay maari tayong gumawa ng syntactic tree para sa sentens







Ang PN na nasa sanga ng S ay ang simuno ng sentens; habang ang PN sa sanga ng PV ay ang object ng verbo.

Natalakay na natin ang tatlong mahalagang aspeto ng synchronic o descriptive linguistics—ang ponolohiya, morpolohiya, at sintaks. Itong tatlo ay may kaugnayan sa istruktura ng wika, kaya tinagurian din itong structural linguistics. Ang pag-aaral ng kahulogan o semantics ay maaring nangangailangan ng mga extra-linguistic na aspeto sapagkat malaki ang kaugnayan nito sa kultura.
 

Dayakronikong linggwistiks

Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming taon ay ang paksa ng diachronic o historical linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga historical linguist ang ebolusyon ng isang wika. Binabakas nila ang mga kapamilyang wika nito batay sa mga katangian na komon sa kanilang ponolohiya, istruktura at leksikon. Ang mga magkapamilyang wika ay tinataya nilang nanggaling sa isang wika lamang na tinaguriang proto-language . Ang orihinal na wika na ito ay kanilang magawan ng reconstruction sa pamamagitan nga mga salita na galing sa mga daughter languages nito na magkasinghulugan at, humigit kumulang, magkasingtunog. Ang mga salitang ito ay tinatawag na cognate sets.

Ang mga sumusunod ay cognate set ng mga wika sa pamilyang Malayo-polynesian, kung saan napabilang ang mga wika sa Pilipinas: Ang salitang "kahoy" ay ginagamit sa Cebuano, Hilgaynon, Tausug, Bikol; "kayu" naman ito sa Ibanag; "kayo" sa Ilocano, Maranao, Maguindanao; "pohon kaju" sa Indonesia; "pohon kayu" sa Malaysia; "kiew" sa Pangasinan; at "punongkahoy" sa Tagalog. (Panganiban, 1972). Ang cognate set ay: kahoy, kayu, kayo, kiew, pohon kaju, pohon kayu at punongkahoy. Sa pamamagitan ng pagkokompara ng mga cognate set ay matataya ng historical linguist ang panahon ng paghihiwalay ng mga wika sa isang pamilya at masasabi rin nila kung aling wika sa isang pamilya ang mas matanda.

Ang wika ay buhay kaya inaasahang ito ay magbabago sa pamamaraang gradwal. Kung babasahin natin ang mga sinulat sa wikang Tagalog noong mga taong 1600, siguradong maranasan natin ang kahirapan sa pagbasa at pag-intindi kasi iba ang ortograpiya nila noon, at may mga salitang hindi na ginagamit ngayon. Marami ring mga salita na ginagamit ng mga kabataan ngayon na hindi naman naiintindihan ng mga matatanda tulad ng gimik o praning. Kaya karaniwang marinig ang mga ekspresyon na "gumimik ba kayo kagabi?" o "nakakapraning ka naman!"

Isa sa mga dahilan sa pagbabago ng wika ay ang panghihiram o borrowing. Ang pagkakalayo at pagkawala ng ugnayan ng mga nagsasalita ng isang wika ay isa pang dahilan kung bakit nagbabago ang isang wika. May mga aspetong sosyal din na naging dahilan sa pagbabago ng wika tulad ng katayuan sa lipunan, relihiyon, o sa kinabibilangang lahi.



 

WIKA AT KULTURA

Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabulohang buhay.

Ang kulturang ito ay nabibigyang anyo, naipahayag, at naipasa sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika. Habang natutohan ng isang bata ang kanyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kanyang kultura. Ang mga salita na napabilang sa leksikon ng isang wika ay matinding indikasyon sa uri ng pamumuhay at pananaw sa mundo sa mga nagsasalita nito. Halimbawa, ang bawat grupo ng mg tao ay may kni-kanilang paraan at terminolohiya sa pagbibilang ng panahon: ang mga magsasaka, sa pamamagitan ng mga araw o buwan ng pagtatanim at pag-ani; ang mga pumapasok sa pabrika ay nagbibilang ng walong oras bawat araw at naghihintay ng akinse ng bawat buwan; at ang mga mag-aaral naman ay nagbibilang ng mga semestre sa pasukan at bakasyon.

Ang leksikon ng wika ay nagsasaad rin sa mga bagay na pinapahalagahan sa mga nagsasalita nito. Halimbawa, mapapansin natin na ang mga Pilipino ay may maraming terminolohiya para sa ibat ibang anyo ng bigas—palay, bigas, kanin, lugaw, sinangag, puto, suman, atbp. Maliban diyan, may iba’tibang klase pa tayo ng bigas tulad ng malagkit, denorado, wagwag, atbp. Samantalang isa lamang ang terminolohiya ng mga Amerikano sa bigas—rice. Kaya sila ay may rice grain, steamed rice, fried rice, atbp. Tayo naman ay walang salita para sa snow ngunit ang mga Eskimo ay may humigit kumulang sampung salita para dito.

Samakatuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapahalagahan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.
 



 

WIKA AT LIPUNAN: Sociolinguistics

Ang bawat lipunan ay may katutubong wika. Ang bawat lipunan ay bumubuo ng isang speech community na kinabibilangan ng mga tao na may iba’t-ibang social orientation batay sa kanilang katayuan sa buhay, sa mga grupo na kanilang ginagalawan, sa iba’t-ibang tungkulin na kanilang ginagampanan. Isa sa mga batayan sa baryasyon ng wika ay ang pagkakaiba ng katangian ng mga grupo na napaloob sa istruktura ng isang lipunan. Ang baryasyong ito ng wika ay tinatawag na sociolect o social dialect.

Kaugnay dito, ang bawat tao sa lipunan ay may sariling pamamaraan ng paggamit ng kanyang wika. Ito ay tinatawag na ideolect. Ito ay bunga sa pamilya na kanyang pinanggalingan, sa grupo na kanyang sinasamahan, sa lugar na kanyang kinaroroonan, at sa mundo na kanyang ginagalawan.

Ang rehiyon na kinalalagyan ng isang grupo ay isa ring dahilan ng baryasyon --halimbawa, may kaibhan ang punto ng mga Tagalog sa Manila at ng mga Tagalog sa Batangas o sa Marinduque. Gayun pa man, nagkakaintindihan pa rin sila. Ang Tagalog sa Manila, sa Batangas at sa Marinduque ay rehiyonal na baryasyon ng wikang Tagalog. Ang mga ito ay tinaguriang mga dialect ng Tagalog. Ang baryasyon dito ay makikita sa punto, sa mga salita mismo, at sa pagkakabuo ng mga prase o mga pangungusap.

Isa pang uri ng baryasyon ng wika ay ang tinatawag na register. Ito ay may kaugnayan sa paggamit ng estilong formal o informal, alinsunod sa paksang tinatalakay, sa mga nakikinig, sa okasyon, at iba pa.

Ang sociolect, dialect, at register ay mga uri ng baryasyon ng wika sa isang lipunan. Ito ang nagpapaliwang sa iba’t-ibang anyo ng isang wika batay sa mga sumusunod: sa taong nagsasalita, sa taong kinakausap o nakikinig, sa okasyon o sitwasyon, sa lugar, at sa konteksto na ibig ipahiwatig. Ito ang tinatalakay sa sociolinguistics, ang sanga ng linguistics na nag-aaral sa mga aspetong sosyal ng wika.

Sociolect.

Ang sociolect ay ang baryasyon ng wika batay sa katayuan ng speaker sa lipunan o sa lupon na kanyang kinabibilangan. Mahalagang pansinin na ito ay nakaugnay sa social grouping na makikita sa lipunan. Ito ay may kinalaman sa socioeconomic na katayuan --mahirap o mayaman, walang pinag-aralan o propesyonal, manager o janitor, kolehiyala o kriminal; sa kasarian (gender) -- babae lalaki, bakla; sa gulang; sa grupong etniko -- Bisaya, Tagalog, Muslim, Tingguian, T’boli; sa relihiyon, at iba pang salik sosyal na pinapahalagahan ng lipunan.

Bilang halimbawa, tingnan natin ang bokabularyo ng mga bata ngayon na tiyak na hindi ginagamit ng mga matatanda: yosi, dedma, promdi, sked, org, syota, tangengot, praning, sosi, bongacious. At bakit nga ba na ang kubeta ay "c.r" sa mga estudyante at "powder room" o "ladies’ lounge" para sa mga sosi? Ang damo ay pagkain ng baka, ngunit sa mga adik ng druga ito ay marijuana. Ang pera ay maaring tawaging datung, atik, o kwarta. Ang kasintahan naman ay syota o jowa.

Karamihan sa mga bokabularyo sa kabataan na nakalista sa itaas ay tinatawag na slang. Ito ay nagsasaad ng informal na baryason ng wika na may makabagong terminolohiya na binubuo ng iilang grupo sa lipunan batay sa napagkasunduan nilang konteksto sa paggamit nito. Kung minsan naman, sa halip na bumuo ng bagong salita, binabago na lamang nila ang kahulugan ng mga ito: ube (kulay > P100 ); ulupong (ahas > traydor); mongha (madre > babaeng bihirang lumalabas sa bahay). Ang slang ay ginagamit bilang palatandaan kung kabilang sa grupo ang isang tao o hindi. Ito ay nagpapahayag sa pagkamalikhain ng mga taong bumubuo nito.

Ang lengwahe na ginagamit ng mga bakla (gay lingo) ay para sa kanilang grupo lamang. Wala silang intensiyong ipagamit ito sa hindi nila kasama. Ito ay "sekretong lingo," o argot, na dapat hindi maiintindihan ng mga taga-labas. Ngunit ang iba nito ay nakakalabas at ginagamit na rin sa "mainstream" --tulad ng bading, tsimay, tsugi, jeproks, bagets, tsibug, chika, jowa, syota, eklat, at baboo.

Sa pag-aaral ni Camencita F. Montenegro (1982) sa 200 estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas (19-24 taong gulang), napatunayan niyang may pagkakaiba ang paggamit ng wika ng mga babae at mga lalaki. Isa nito ay ang mas malimit na paggamit ng mga babae sa mga hiram na salita at ng mga positibong adjective kay sa mga lalaki. Kalimitang ginagamit ng mga babae ang hiram na salita sa akala nilang ito ay may prestige. Ito ay nagpapakita na ang kasarian ay may kinalalaman sa paggamit ng wika.

Ang kakaibang lengwahe naman na ginagamit ng mga doktor, syentipiko, at iba pang propesyonal o teknikal na grupo kaugnay sa kanilang trabaho ay tinatawag na jargon. Ang tonsillectomy ay ang terminolohiya ng mga doktor sa pagtatanggal ng tonsil. Ang mga mahilig naman sa kompyuter ay may sarili namang jargon, tulad ng: modem, ram, cd-rom, software, prolog, byte, download, atbp.

Maraming baryasyon ng wika ang ginagamit ng iba’t ibang grupo na napaloob sa lipunan. Gayunpaman, may tinaguriang standard na wika na siyang ginagamit sa pormal na pagsusulat, sa paaralan, sa mga nakapag-aral, at sa mga pagtitipon. Dito rin ibinabatay ang baryasyon ng wika. Halimbawa, ang Cebuano ay nagsasabing wa:a at ba:y ngunit sinusulat ang mga ito na wala at balay na siyang tanggap na standard lexicon.

Sa kabililang dako, may mga salita namang ipinagbabawal. Kung minsan, ang mga ito ay maaring bigkasin ng mga matatanda ngunit ipinagbawal sa mga bata, tulad ng mga salita na tumutukoy sa sexual organs. Kung minsan naman, ito ay may kinalaman sa kasarian.

Halimbawa, may iilang grupong etniko sa Pilipinas na nagbabawal sa mga babae pagtawag ng pangalan ng kanilang ama, tiyohin, biyenang lalaki, at lolo. Kung minsan, ang mga ito ay may kasagwaan sa pandinig ng mga tao sa lipunan at hindi ginagamit sa matinong usapan. Kung kaya hinahanapan ito ng mas tanggap na kapalit. Ang prosesong ito ay tinatawag nga euphemism. Kaya ang puta ay tinatawag na babaeng mababa ang lipad o prosti sa kontemporaryong salita. Marinig rin sa mga kabataan ngayon ang "jijingle muna ako" sa halip na "iihi muna ako."

Ang sociolect ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika sa mga tao na napaloob nito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.

Dialect at ibang baryasyon.

Ang dialect ay ang baryasyon ng wika batay sa katangian nito na siyang karaniwang ginagamit sa mga tao ng isang rehiyon o pook. Halimbawa, ang Tagalog ng Batangas, Marinduque, Metro Manila, at Baler ay may pagkakaiba sa bigkas at sa iilang terminolohiya, gayun pa man, nagkakaintindihan ang mga Tagalog na ito. Kung ang mga taga-Manila naman ay manirahan ng matagal sa Mindanao, mag-iiba naman ang Tagalog nila. Samakatuwid, ang mga ito ay tinatawag na dialect ng wikang Tagalog.

Ang dialect ay nabubuo kung ang mga tagapagsalita ng isang wika ay magkahiwalay dahil sa lokasyon o sa sosyal na mga dahilan at sa gayon ay wala na silang ugnayan. Ang wika ay nagbabago at ang pagbabagong ito ay may sistema. Kung hindi maipasa ang anumang pagbabago na naganap sa sentro o sa alinmang rehiyon sa isang grupo, malamang na unti-unting maging iba ang pagsasalita ng grupong iyon.

Ang isang siyudad, probinsiya o rehiyon ay maaring mabubuo ng mga tao na may iba’t-ibang wika. Halimbawa, sa Probinsya ng Davao ay may Cebuano, Davaweño, Tagalog, Bagobo, Mamanwa, Manobo, Mandaya, at Mansaka. Kailangan nila ng isang wikang pangkomunikasyon upang silay magkaintindahan. Ang wikang ito ay tinagurian lingua franca. Ang Cebuano ay ang lingua franca hindi lamang sa Davao, kung hindi sa buong Mindanao at Visayas. Ilokano at Tagalog naman ang mga lingua franca sa Luzon. Filipino ang lingua franca sa buong Pilipinas.

Noong pumunta ang mga Español sa Lungsod ng Zamboanga, hindi nila naintindihan ang wika ng mga tao rito. Hindi rin sila naintindihan ng mga Zamboangueño. Ngunit ang dayuhan at ang katutubo ay kailangan ng wikang pangkomunikasyon. Natuto silang ipaghalo ang Español at wikang katutubo. Sa puntong iyon, ang tawag sa halu-halong wikang ginamit nila ay pidgin. Nang maglaon, nag-asawa ang mga Español sa mga katutubo at ang pidgin na kanilang ginamit ay ang sinasalita ng kanilang mga anak. Samakutuwid, native language na ito ng isang grupo sa lipunang iyon. Kung ang pidgin ay nagkakaroon na ng katututbong tagapagsalita, ito ay nagiging creole. Ang tawag sa Creole ng Zamboanga ay Chavacano; ganoon din sa Cavite at sa Ermita, Manila.

Register

Bakit kay daling sabihing "Nasa probinsya ang erpat at ermat ko" sa kaibigan mo. Ngunit kung guro mo ang kausap mo, bigla itong maging "Nasa probinsiya ang tatay at nanay ko." At bakit kay daling bigkasin ang mga salitang tsok, tsoys, ayskrim, sentens, at iba pa ngunit bakit naging tisa, pagpipilian, sorbetes, at pangungusap ang mga ito kung isulat? Napansin mo ba na iba ang tono ng pananalita mo kung ikaw ay nakipaglokohan sa mga barkada mo at kung ikaw ay nagrereport sa klase? May iba’t-ibang anyo ang wika batay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o sa kinakausap, sa okasyon. Ang baryasyon na ito ay tinatawag na register.

Isang uri ng register ay may kinalaman sa pormal o di-pormal na pananalita. Pormal ang tono ng pananalita mo kung ang kausap mo ay mas matanda sa iyo, may mataas na tungkulin kay sa iyo, may kapangyarihan, o hindi mo masyadong kilala. Kalimitan, pormal din ang wika na ginagamit sa pagsusulat at sa panitikan. Nanatiling pormal ang wika sa simbahan, sa mga seremonyas, sa mga talumpati sa mahalagang pagdiriwang, sa korte, at sa iba pang okasyon na kinabibilangan ng mga kagalang-galang na mga tagapakinig. Register na di-pormal naman ang kalimitang ginagamit sa mga okasyong dinadaluhan ng mga magkakaibigan, sa pag-uusap ng magkasing-edad o magkasinghenerasyon, sa pagsulat ng komiks o liham sa isang kaibigan o kapamilya.

Ang sociolinguistics ay ang nag-uugnay sa wika at sa aspetong sosyal ng isang lipunan. Tinitingnan dito kung bakit ginagamit ng isang tao ang ganong uri ng wika o baryasyon ng wika kung siya ay nakikipag-usap sa isang tao sa isang okasyon. At bakit naman umiiba ang modo ng pakikipag-usap niya kung umiiba ang mga kondisyon. Pinapahiwatig rin nito ang uri sa taong nagsasalita -halimbawa, ano ang kanyang trabaho, ano ang katayuan niya sa lipunan, saan siya nanggaling, atbp. Samakatuwid, sa pamamagitan ng ating paggamit sa wika nakikilala ang ating pagkatao, ang grupo na ating kinabibilangan, at ang mga papel na ating ginagampan.
 



 
 

MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay nasakop sa pamilya ng wikang Austronesian. Isa ito sa pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong mundo. Ang humigit kumulang 1,000 wika (Ruhlen, 1987) na napabilang sa pamilyang ito ay ginagamit sa Indonesia, Malaysia, Pilipinas; sa iilang lugar ng Vietnam, Cambodia, Taiwan; Madagascar; at sa kapuluan ng Timog at Gitnang Pacifico (maliban sa Australia at ilang lugar sa New Guinea

Ang pamilyang Austric

Ayon kay Comrie (1987; p.15), apat na malalaking grupo ng mga wika ang nagkatagpo sa Timog Asya: ang Indo-Aryan sa pamilyang Indo-European, sa bandang hilaga; ang Dravidian sa katimogan; ang Sino-Tibetan sa karatig na hilagang hangganan; at ang Austro-Asiatic. Nang dumako siya sa Timog-Silangang Asya, idinagdag niya sa Sino-Tibetan at Austro-Asiatic ang dalawa pang pamilya --ang Kadai (Kam-Tai) at ang Austronesian. Inilarawan sa diagram 1 ang dibisyong ito.
 
 
 

Timog Asya
Timog-Silangan Asya
Indo-Aryan (Indo-European)
 
Dravidian
 
Sino-Tibetan
Sino-Tibetan
Austro-Asiatic
Austro-Asiatic
 
Kadai
 
Austronesian

Diagram 1  Ang mga pamilya ng wika sa Timog at Timog-Silangang Asya.


Ang mga wika sa Timog-Silangang Asya ay maaring hatiin sa dalawa -- Sino-Tibetan at Austric, na siyang itinawag ng mga iskolar sa grupo ng huling tatlong pamilya -- Austro-Asiatic, at Austronesian. Gayun pa man,. ang subdibisyong ito ay binago kaunti sa mga pag-aaral nina Schmidt (1926), Benedict (1942), Sebeok (1942), Greenberg (1980), Diffloth (1974; 1982) na ginawan ng sentisis ni Ruhlen (1987:151-156). Ang Kadai ay isinama sa Tai sa isang sanga na tinawag nilang Daic, na isinama naman sa Austronesian sa sangang Austro-Tai. Idinagdag rin ang Miao-Yao. Ito ay ipinakita sa diagram 2.



 
AUSTRIC
1.   MIAO-YAO
2.   AUSTROASIATIC
3.    AUSTRO-TAI 
2.1.   MUNDA 3.1.   DAIC
2.2   MON-KHMER        i.  DAIC
       i.  NORTH        ii   KADAI
      ii.  EAST 3.2   AUSTRONESIAN
     iii.  SOUTH 

Diagram 2   Pamilya ng mga wikang AUSTRIC





Ang Austric ay may kabuuang 1,200 wika at may humigit kumulang 293 milyon ang nagsasalita nito(Ruhlen,1987: p.148),. Ang Miao-Yao ay matagpuan sa katimogang China sa probinsya ng Guizhou at sa hilagang bahagi ng Vietnam, Laos, at Thailand. May mga 5 milyon ang nagsasalita nito. Ang Austroasiatic naman ay may 150 wika at may mga 56 milyon ang nagsasalita nito. Ito ay nahati sa dalawa: (1) ang Munda na matatagpuan sa hilaga-silangang India -ang Santali at ang Mundari ay ang pinakamalaki sa 10 wika napaloob sa grupong ito na ginagamit sa may mga 6 milyon; at, (2) ang Mon-Khmer na siyang ginagamit sa kalawakang Timog-silangang Asya -- sa Laos, Vietnam, Kampuchea, sa ilang bahagi sa Thailand, Burma, Malay peninsula, sa mga Isla ng Nicobar. Sa 150 wika na napabilang nito, ang Vietnamese at at Khmer ang pinakatanyag. Ang Daic ay may 60 wika

na ginagamit ng humigit kumulang ng 50 milyong tao sa Thailand, Laos, hilagang Vietnam, Burma, timog China, at sa kapuloan ng Hainan. Ang Thai at Lao ang pinakamalaking grupo sa pamilyang ito.

Ang mga subgroup sa Austronesian

Ipinahayag ni Dyen (1965) na may 40 sanga ang Austronesian batay sa kanyang pagkokompara sa 196 salita sa 245 wika. Isa sa mga sanga nito ang Malayo-polynesian kung saan napaloob ang Hesperonesian na siyang kinabibilangan sa mga wika ng Pilipinas, Sulawesi, Borneo, Madagascar, Timog Vietnam, Malaysia, Sumatra, Java, at Bali.

Ang diagram 3 sa ibaba sy nagpapakita sa mga iminungkahing pagkapangkat-pangkat ng mga wika sa pamilyang Austronesian. Batay ito sa mga pag-aaral nina Haudricort (1962), Dahl (1973), Blust (1978) at Benedict (1983). Hinati ni Dahl ang Austronesian sa dalawa --ang mga wikang Formosan at ang mga hindi Formosan. Ang pangalawang grupo ay tinagurian ng karamihan sa mga iskolar na Malayo-polynesian at itoy maaring hatiin sa dalawa: Kanluran (Indonesian) at Silangan (Oceanic). Ang Oceanic ay binuo ng (1) Kanlurang Halmahera-Hilagang-kanlurang New Guinea, at (2) Oceania -- Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Ang schema na ito ay inilarawan sa diagram 3.
 
 

AUSTRONESIAN
1.   FORMOSAN
`
2.  MALAYO-POLYNESIAN
1.1   ATAYALIC ` 2.1   KANLURAN (INDONESIAN
1.2   TSOUIC ` 2.2   SILANGAN  (OCEANIC)
1.3   PAIWANIC `        i.  KANLURANG HALMAMERA-
           HILAGANG KANLURANG NEW GUINEA
`        ii.  OCEANIC
`            MICRONESIA
`            MELANESIA
`            POLYNESIA

Diagram 3. Ang pagkaugnay-ugnay ng mga wikang Austronesian

Ikumpara ang diagram 3 sa subgroup ni Reid (1982) sa dgram 4 na nagpapakita ng tatlong subdibisyon:
 
 

AUSTRONESIAN
1.  FORMOSAN 
`
2.  SOUTH MINDANAO
      (Philippines) 
`
3.   AMI-EXTRA-FORMOSAN 
` ` ` ` 3.1   AMI
` 3.2   EXTRA-FORMOSAN
`       i.   OUTER PHILIPPINES
`            NORTHERN PHILIPPINES
`            SOUTHERN PHILIPPINES
`       ii.  MALAYO-POLYNESIAN
`            CENTRAL-EASTERN 
`            WESTERN:  MESO-PHILIPPINES 
`                                 CELEBES
`                                 BORNEO
`                                 SAMA-BAJAW
`                                 SUNDIC

Diagram 4. Ang Austronesian subgroup batay kay Reid (1982)

Ang diagram 4 ay nagpapakita na ang mga wika sa Pilipinas ay hindi nanggaling sa isang sanga lamang ng pamilyang Austronesin. Sa halip ang mga ito ay nasa iba’t-ibang sanga sa iba’t ibang yugto sa debelopment. Samakatuwid, bagama’t Austronesian ang lahat na wika sa Pilipinas, ang mga ito ay hindi gaanong magkalapit.

Gayun pa man, sundan natin ang diagram 3 upang matunghayan ang subgroup ng mga wika sa Pilipinas. Makita sa diagram 3 ang sanga ng Kanlurang Malayo-polynesian, tinagurian ding Indonesian.

Dito napabilang ang mga wika sa Pilipinas. Ang sangang ito ay binubuo ng walong grupo: ang Hilagang Pilipinas, Timog Pilipinas, Meso-Pilipinas, Timog Mindanao, Celebes, Borneo, Sama-Bajaw, at Sundic. Anim nito ay matatagpuan sa Pilipinas (bilang 1, 2, 3, 4, 5, at 7 sa diagram 5).
 

KANLURANG MALAYO-POLYNESIAN
1.   HILAGANG  PILIPINAS
2.   TIMOG  PILIPINAS
3.   MESO-PILIPINAS 
4.   TIMOG  MINDANAO 
5.   CELEBES
6.   BORNEO
7.   SAMA-BAJAW 
8.   SUNDIC

Diagram 5 Subgroup ng Kanlurang Malayo-polynesian



Ang mga subgroup sa mga wika sa Pilipinas

Ang klasipikasyon sa bahaging ito ay ibinatay sa sentisis ni Ruhlen (1987: 338-344) at sa "Ethnologue: Philippines."

Hilagang Pilipinas. Ang sangang ito ay may dalawang dibisyon: (1) Hilagang Luzon na binuo ng 3 grupo-- Hilagang Cordillera, Ilokano, at Timog-Gitnang Cordillera; (2) Bashic-Gitnang Luzon-Hilagang Mindoro na may 3 ring grupo -- Bashic, Gitnang Luzon, at Hilagang Mindoro. Ang detalya ng mga grupo ng wika sa sanga na ito ay ipinakita sa diagram 6.
 
 

I.  HILAGANG PILIPINAS

A.   HILAGANG LUZON
B.    BASHIC-GITNANG LUZON-
HILAGANG MINDORO
1.   HILAGANG CORDILLERA:  1.  BASHIC
1.1  IBANAGIC 1.1  IVATAN- 
   a.  ISNAG- ADASEN; ISNEG    a.  IBATAN (Babuyan Island); 
   b.  IBANAG-  
     i.  AGTA (Villaviciosa) 1. 2.  GITNANG LUZON
    ii.  ATTA- FAIRE (Southern Atta);   a.   SINAUNA-  AGTA REMONTADO
                           (Sinauna) 
                   PAMPLONA; PUDTOL   b.  SAMBALIC- 
    iii.    IBANAG      (1) AYTA:  ABENLEN; AMBALA;
    iv.  ITAWIT (Itawis)                         BATAAN  ; MAG-INDI; BOLINAO
     v.   YOGAD       (2)  SAMBAL: BOTOLAN, TINA
   c.   GADDANG-    c.  PAMPANGAN-  PAMPANGO 
     i. GA'DANG (Baliwon, Kalinga)                              (Kapampangan)
     ii.   GADDANG 1.3   NORTHERN MINDORO-
1.2    DUMAGAT (DUM)         ALANGAN; IRAYA; TADYAWAN
   a.   SOUTHERN AGTA-  UMIRAY DUM;  
           Alabat Island DUM; MANIDE
   b. NORTHERN AGTA- CASIGURAN DUM;
                 CENTRAL CAGAYAN AGTA;
                 DICAMAY; DUPANINAN; 
                 PARANAN;KASIGURANIN
1.3  ARTA
1.4  ALTA
   a.  ALTA SA HILAGA-  EDIMALA;
                BALER NEGRITO;
        DITAYLIN DUM/ALTA
   b.   ALTA SA KATIMOGAN-  PUGOT; ITA
                 KABULUWEN;   BALUGA
2.   TIMOG-GITNANG  CORDILLERA
2.1  TIMOG CORDILLERA
   a.   PANGASINIC
     i.  BENGUET- 
        (1)  IBALOI-KARAW
           (i) IBALOI (Inibaloi; Nabaloi; Igodor;
                              Benguet Igorot)
           (ii)  KARAW 
        (2)  IWAAK  (I-wak)
        (3)  KALLAHAN- (i) KAYAPA;
                             (ii) KELEY-I; TINOC
    ii.  PANGASINAN
   b.  ILONGOT-  ILONGOT(BUGKALOT)
2.2   GITNANG CORDILLERA
   a.  NUKLEYAR CORDILLERA
     i.  BALANGAO-  BALANGAO 
                           ( Bontoc, Farangao)
    ii.  BONTOC-KANKANAY
       (1) BONTOC- 
           (i) BONTOC SENTRAL 
               (Bontoc, Igorot)
          (ii) BONTOC SILANGANIN 
                (Kadaklan-Barlig;
                 Katimogang Bontoc)
      (2) KANKANAY- (i) KANKANAY; 
                           (ii) SAGADA IGOROT
   iii.  IFUGAO-  AMNAGAD; BATAD;
                       MAYOYAO; TUWALI
    b.  ISINAI-  ISINAI
   c.  KALINGA-ITNEG
      (1)  KALINGA-  BUTBUT; LIMOS; 
                              LOWER TANUDAN; 
                              LUBUAGAN; MADUKAYANG;
                              KAL-UWAN (Mabaka Itneg);
                              SUMADEL-TINGLAYAN; 
                              UPPER TANUDAN 
    (2) ITNEG-  (i)TINGGUIAN (Binongan);
                        (ii)INLAOD;(iii) MASADIIT;
                        (iv) LUBA-TIEMPO 
3.   ILOCANO
 

               Diagram 6. Mga grupo ng mga wika sa Hilagang Pilipinas


Hanayan 6 Unang Pangkat: Hilagang Luzon
1. Hilagang Cordillera: (a) Ibanagic ~ Adasen, Atta, Ibanag, Itawis, Yogad, Gaddang, Gad’ang, Isneg; 
                                 (b) Dumagat ~ Kasiguranin, Paranan/Palanenyo, Agta --Alabat Island, Manide, 
                                                      Casiguran, Central Cagayan, Dicamay, Dupaninan, Umirey, 
                                 (c) Arta;  (d)  Alta ~ Edimala, Baler Negrito, Ditaylin, Kabuluwen, Baluga, Pugot, Ita. 
2. Timog-Gitnang Cordillera: (a) Timog Cordillera ~ Inibaloi, Iwaak, Kallahan --Kayapa, Keley-i, Karaw; Pangasinan;
                                                                           Ilongot/Bugkalot; 
                                (b) Gitnang Cordillera ~ Itneg --Tingguian, Inlaod, Masadit, Luba;  Kalinga --Butbut, Limos, 
                                     Lower Tanudan;  Lubuagan, Kal-uwan, Madukayang, Sumadel-Tinglayan, Upper Tanudan; Isinai; 
                                     Nuclear Cordillera ~ Balangao, Bontoc --Igorot, Kadaklan-Barlig, Kankanay --Sagada Igorot, 
                                     Hilagang Benguet; Ifugao -- Amnagad, Batad, Mayoyao, Kiangan
3.  Ilokano

 
 
Hanayan 7 Ikalawang Pangkat: Bashic-Gitnang Luzon-Hilagang Mindoro
1. Bashic: Ibatan
2. Gitnang Luzon: (a) Sinauna; (b) Sambalic ~ Ayta --Abenlen, Ambala, Bataan Sambal, 
                          Mag-anchi Sambal, Mag-indi/baloga, Bolinao Sambal, Botolan Sambal, 
                          Tina Sambal;   (c) Kapampangan. 
3. Hilagang Mindoro: Alangan, Iraya, Tadyawan

 

Timog Pilipinas. May 23 wika ang kabuuan nito, at ito ay may 3 subdibisyon: Subanon, Manobo, at Danao. Ang detalya sa sangang ito ay makita sa diagram 7.
 
 

   II.   TIMOG PILIPINAS
A.  MANOBO.
B.  DANAO
C.  SUBANEN
1.  HILAGA:  1.  MAGUINDANAW 1.  SILANGANIN- 
     BINUKID; HIGAONON; '      SUBANEN  SA SINDANGAN,
     KAGAYANEN (Cagayancillo); 2.  MARANAO-  IRANON      TUBOY,  LAPUYAN, 
     KINAMIGUIN     a. MARANAW
2.  SENTRAL-   2.  KALIBUGAN-  SIOCON
   a.  SILANGANIN- 
      AGUSAN MANOBO; 
      DIBABAWON;
      RAJAH KABUNGSUAN MANOBO
   b.  KATIMOGAN- 
     ATA-TIGWA: KALAMANSIG
     MATIGSALUG; COTABATO MANOBO;
     OBO (Kidapawan Manobo);
     SARANGANI MANOBO; TAGBANWA
     TASADAY
   c.  KANLURANIN-  ILIANEN; BUKIDNON 

                   Diagram 7 Ang mga wika sa Timog Pilipinas

Meso-Pilipinas.Ang Meso-Pilipinas ay may 56 wika na nahati sa apat na grupo: Timog Mangyan, Kalamian, Palawan, Gitnang Pilipinas. Ang mga wika sa Gitnang Pilipinas ay may limang (5) subdibisyon -Tagalog, Bikol, Mansaka, Mamanwa, at Bisaya. Ang Bisaya ay may limang (5) grupo rin --Timog, Cebuan, Sentral, Banton, at Kanluran. Ang diagram 8 ay nagpapakita sa kabuuan ng sangang ito.
 
 

III.   MESO-PILIPINAS
A.  TIMOG MANGYAN
B.  KALAMIAN
C.  PALAWAN
D.  GITNANG 
PILIPINAS
1.  BUHID-TAUBUID-  1.  AGUTAYNEN 1. NEGRITO- BATAK 1.  BIKOL
     BUHID 2.  CALAMIAN TAGBANWA 2.  PALAWANO- (PAL) 2.  BISAYA
     BATANGAN  3.  SENTRAL TAGBANWA     MOLBOG 3.  MAMANWA
     TAUBUID SA KANLURAN     BROOKE'S POINT  4.  MANSAKAN
'    QUEZON PAL 5.  TAGALOG
2.  HANUNOO-  HANUNOO     PAL SA TIMOG-
           KANLURAN
6.  HINDI-TIYAK
    TAGBANWA

                         Diagram 8. Ang mga wika sa Meso-Pilipinas.


Ang 56 wika na kabilang sa grupong ito ay ang mga sumusunod: (1) Timog Mangyan: Batangan, Tawbuid (Silangan),Tawbuid (Kanluran), Hanunoo; (2) Kalamian: Agutaynen, Kalamianen, Tagbanwa; (3) Palawan: Batak, Molbog, Palaweño, Tagbanwa; (4) Gitnang Pilipinas: (a) Tagalog; (b) Bikol - Isarog, Iraya, Naga, Virac; Iriga (Agta), Albay, Rinconada, Pandan; (c) Mansaka -- Davawenyo, Kalagan, Tagakaulo, Kamayo, Isamal, Caraga, Mansaka, Cataeleño (d) Mamanwa; at (e) Bisaya.
 
 

III-B:  MGA WIKA SA GITNANG PILIPINAS
1.   BISAYA
2. BIKOL
3.  MANSAKAN 
4.  MAMANWA
5.  TAGALOG
6.  DI-TIYAK
a. Banton: BANTOANON a. Coastal: a. Silangang Caraga-
MAMANWA
TAGALOG
ATA 
b. Cebuan:  CEBUANO     Naga- ISAROG AGTA      KARAGA MANDAYA `   (Negros Or.)
c. Central           MT. IRAYA AGTA `
 
SORSOGON AYTA
   i. Peripheral-  ATI;           BIKOL (SENTRAL) b. Silangang Mandaya-
 
TAYABAS AYTA
     CAPIZNON; HILIGAYNON;      CATELENYO
 
KAROLANOS
'    MASBATENYO;    Virac-  BIKOL VIRAC       SANGAB MANDAYA
 
MAGAHAT
     POROHANON (CAMOTES)      MANDAYA MANSAKA   SULOD
   ii. Romblon- ROMBLOMANON   b. Inland:  `
   iii. Warayan-     Iriga-  Mt. IRIGA AGTA c. Kanluran-
     SORSOGON BICOLANO          RINCONADA BICOLANO       KALAGAN
     Gubat- SORSOGON WARAY    Buhi-Daraga- BICOL ALBAY       TAGAKAOLO
     SAMAR- WARAY-WARAY
d. Katimogan c.   Pandan-  BIKOL PANDAN d.  Hilaga- 
   i. BUTUAN-TAUSUG:          (Hilagang Catanduanes)      KAMAYO
      BUTUANON; TAUSUG `
  ii. Surigao-  SURIGAONON 
e. Kanluran
   i. Aklan- AKLANON
   ii. Karayan- KINARAY-A
  iii. Kuyan- KUYUNON RATAGNON
   iv. Hilaga-Sentral- LOOKNON
   v. Di-tiyak-  CALUYANEN

Diagram 9. Ang mga grupo ng wika na napaloob sa sangang Bisaya.



May 21 wika ang sangang ito: Aklanon, Calayunen, Cuyonon, Malaynon, Kinaray-a, Ratagnon; Looknon, Ati, Romblomanon, Sorsogon Gubat, Sorsogon Bicol, Waray; Capiznon, Hiligaynon, Masbatenyo, Porohanon; Surigaonon, Butuanon, Tausug; Cebuano; Bantoanon. May anim pang wika sa grupong ito na hindi pa tiyak ang klasipikasyon: Ata sa Mabinay, Negros Oriental, Ayta (Sorsogon), Ayta (Tayabas), Karolanos (gitnang Negros), Magahat (timog-kanlurang Negros), at Sulod (Tapaz, Capiz).

Timog Mindanao.Ang limang (5) wika sa Timog Mindanao at ang kani-kanilang dibisyon: Bilic - Blaan Koronadal, Sarangani Blaan, Tboli; Tiruray; Bagobo - Giangan.

Sama-Badjaw.Ang pitong (7) wika sa sangang ito ay may tatlong (3) dibisyon: Abaknon; Yakan; at Sulu-Borneo, na may limang wika -- Jama Mapun, Pangutaran Sama, Sama Balangingi, Siasi Sama, Sibutu.

Celebes: Sangir. Ang Sangir ay napabilang sa sangang Celebes. Dalawang wika sa sangang ito ang ginagamit sa mga isla ng Balut at Sarangani -- ang Sangil na ginagamit ng humigit-kumulanag 10,000; at ang Sangir, na may 55,000 nagsasalita (1981 SIL).

Creole. Ang Chavacano ay isang creole. Hindi ito sakop ng pamilyang Austronesian. Ang bokabularyo nito ay Español, ngunit ang sintaks ay kahawig sa sintaks ng mga wika sa Pilipinas. Ito ay ginagamit sa Zamboanga, Basilan, Cavite, Ternate, at Ermita (Manila). Ang Ermitaño ay extinct na.
 
 

Ang katayuan ng mga wika sa Pilipinas.

Ilan ba ang wika sa Pilipinas? Batay sa listahan sa itaas, 160 ang kabuuang bilang. Si McFarland (1994) ay nagsabing may 110 na wika sa Pilipinas, at maliban sa Chavacano na isang creole, lahat na ito ay napabilang sa pamilyang Austronesian.

Batay naman sa survey ng Summer Institute of Linguistics (SIL) may 171 wika ang ginagamit sa Pilipinas --164 nito ay kabilang sa pamilya ng wikang Austronesian; ang lima ay wikang banyaga -- Chinese Mandarin, Chinese Min Nan, Chinese Yue na lahat ay nasakop sa pamilya ng wikang Sino-Tibetan, at ang English at Spanish na nasakop sa pamilya ng wikang Indo-European; ang isa ay ang wika na tinaguriang creole -ang Chavacano; at ang Philippine Sign Language na ginagamit ng may 100,000 na mga pipi. (Ang pinakahuling update sa survey na ito ay noong Pebrero 1998 ayon sa impormasyon ng Internet)

Sa survey na ito ng SIL, nakuha ang 12 wika na may pinakamaraming makapagsalita. Ito ay ang mga sumusunod (kasama ang bilang ng mga nagsasalita nito): Tagalog, 17,000,000; Cebuano, 15,230,000; Ilocano, 8,000,000; Hiligaynon, 7,000,000; Bicol, 4,000,000; Waray-waray, 3,000,000; Pampango, 2,000,000; Pangasinan, 2,000,000; Maguindanao, 1,000,000; Tausug, 830,000; Maranao, 602,613; Ibanag, 500,000.

Kaugnay dito, apat na wika sa Pilipinas ang nakalista sa "Top 100 Languages by Population" sa buong mundo. Ito ay ang Tagalog (# 57), Cebuano (# 61), Ilocano (# 91), at Hiligaynon (# 100).

Sa kabilang dako, ito naman ang mga wika na malapit nang maging extinct kasama ang bilang ng mga makapagsalita sa mga ito: Agta (Alabat Island Dumagat), 50; Agta, (Camarines Norte), 200; Agta, (Mt. Iraya), 200; Northern Alta (Baler Negrito, Ditaylan Alta, Ditaylin Dumagat), 240; Arta (towns of Aglipay and Nagtipunan in Quirino Province), 16 o 17; Ata (Mabinay, Negros Oriental), mga 9 na pamilya na lamang; Ayta (Sorsogon), 40; Ayta (Tayabas, Quezon Province), ngayon ay extinct na; Batak (Babuyan, Tinitianes, Palawan Batak), 300; Katabaga (Bondoc Peninsula), extinct.

Marami ang wika sa Pilipinas. At dahil ang wika ay ekspresyon ng kultura, nagpapahayag ito kung gaano kayaman ang ating kultura. Kaya dapat lamang bigyang halaga ang mga wikang ito ng bawat Pilipino -- pag-aralan, gamitin at ipagmalaki upang manatiling buhay.
 



 
 

LINGGWISTIKS SA PILIPINAS SA LOOB NG ISANG DANTON (1898-1998)

Susuriin sa bahaging ito ang ambag ng Linggwistiks sa lipunang Pilipino sa loob ng 100 taon (mula 1898 hanggang 1998). Tatalakayin dito ang iba't-ibang pag-aaral sa iba't-ibang wika sa Pilipinas upang: (1) lalong mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipinong mag-aaral tungkol sa mga wikang ito na siyang indikasyon ng mayaman nating kultura; (2) mapahalagahan nila hindi lamang ang kani-kanilang mga wika, kundi maging ang mga wika ng iba --kabilang na rito ang mga maynor na wika sa Pilipinas; at (3) sa pamamagitan ng kaalamang ito ay mapatingkad ang pananaw at respeto sa iba't-ibang kultura at mapabuti ang relasyon ng iba't-ibang etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas. Bagamat hindi kumpleto ang listahang ito, sapat na ito upang matugunan ang mga layunin na ibinigay.

Ang usaping wikang pambansa ay mahalaga para sa bawa't Pilipino. Tinatalakay ito sa huling parte ng bahaging ito.

Mga Pag-aaral sa mga Wika sa Pilipinas

Ang mga pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ay maaring hatiin sa peryodisasyong (a) 1565 -1898 --mahigit na 300 taon, bago natin nakamtan ang kalayaan-- at (b) 1898-1998, isang daang taon pagkatapos nating matamo ang ating kalayaan. Layunin ng pag-aaral na ito ang pagsuri sa katayuan at ambag ng linggwistiks sa lipunang Pilipino sa loob ng dantaong ito.

Mga Pag-aaral Panahon ng mga Kastila (1565-1898)

Karamihan sa mga naunang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ay ginawa ng mga prayle upang magampanan ang kanilang misyon na gawing Kristiyano ang mga tao sa Pilipinas. Kaya hindi nakapagtataka na ang unang publikasyon ay ang Doctrina Cristiana sa wikang Tagalog -na nalimbag noong 1593 - at iba pang mga babasahin na may kaugnayan sa misa at sa pananampalataya at katesismo. Sila ay nagpalabas rin ng mga diksyunario, mga libro sa gramatika ng mga wika na kanilang pinag-aralan.

Marami ang pag-aaral na nagawa sa wikang Tagalog. Sa pagitan ng mga taong 1593 at 1648, may mga 24 na libro na ang nalimbag sa wikang Tagalog; lima sa Bisaya; tatlo sa Pampango, dalawa sa Bikol; at isa sa Ilokano. Ang unang libro sa Pangasinense ay nalimbag sa taong 1689.

Marami pang mga libro sa gramatika, bokabularyo, at iba pang babasahin at pag-aaral ang nalimbag pagkatapos nito dahil sa pagkakaroon ng imprenta sa apat na orden ng mga prayle na itinalaga sa iba’t ibang parte ng Pilipinas batay sa hatian sa Pilipinas noong taong 1594. Ang Dominican na itinalaga sa Pangasinan at Cagayan ay nagkaroon ng sariling imprenta sa 1593, ang mga Franciscan naman sa Camarines ay nagkaroon nito noong 1606, ang mga Heswita na siyang kahati sa mga Agustinian sa kapuluan ng Bisaya ay nakapagtatag nito sa 1610, at ang mga Agustinian na siya ring may hawak sa Ilocos at Pampanga may imprenta na sa 1618.

Si Juan de Plasencia, na sakop sa ordeng Franciscan, ay inatasang gumawa ng gramatika, diksyunaryo at katesismo sa Tagalog sa taong 1580. Katulong niya dito si Miguel de Talavera, isang Kastila na nanirahan sa Pilipinas. Naging pari din si Talavera. Pinaniniwalaang ang Doctrina Cristiana na nalimbag sa 1593 ay nanggaling sa katesismong ginawa niya at inihanda para sa imprenta ni Fra Juan de Oliver. Si Oliver ay siya ring sumulat sa Doctrina Cristiana sa Bikol.

Sina Francisco Lopez at Pedro de la Cruz Avila ay mga Agustinian na gumawa ng gramatika at diksyonaryo ng Ilokano. Ang mga prayleng Dominican na sina Ambrosio Martinez de la Madre de Dios, Jacinto Pardo at Jose Bugarin ang gumawa ng gramatika at diksyonaryo ng Ibanag.

Ang mga pag-aaral sa gramatika at bokabularyo ng Bisaya ay pinangungunahan nina Francisco Encina, Alonso de Mentrida, Julian Martin, Juan Felix de la Encarnacion at iba pang mga Agustinian; at ang mga Heswitang sina Cristobal Jimenez, Pedro Oriol, Mateo Sanchez, Juan Antonio Campeon, atbp. Ang mga katesismo, gramatika, mga sermon, at diksyonaryo ng Pampango ay naisagawa naman ng mga prayleng Agustino tulad nina Diego de Ochao, Francisco Coronel, Juan de Medina, atbp.

Ang iba pang mga pag-aaral na nagawa sa panahong ito ay ang sumusunod: (a) circa 1500 -Pangasinan dictionary (Castellano), Arte, vocabulario y confesionario Pampango (Ochoa), Arte y vocabulario Tagalo at Diccionario Hispano-Tagalog (Plasencia), Arte y vocabulario Tagala (Quiñones), Diccionario Tagalog-Español (Oliver); (b) circa 1600 -Vocabulario Ilocano (Avila), Arte de la lengua Igolata (Marin), Arte y diccionario de la lengua Ibanag (Martinez de la Madre de Dios), Diccionario del idioma Tagalog (Montes y Escamilla), Vocabulario de la lengua Tagala (San Buenaventura); (c) circa 1700 - Tesauro de la lengua de Pangasinan, Vocabulario de la lengua Pampanga (Bergaño), Tesauro vocabulario de la lengua Yloca y Castellano (Caro), Vocabulario de la lengua Tagala (Noceda), Diccionario del dialecto Zambal (San Damian), Vocabulario de la lengua Bisaya-Samar-Leyte (Sanchez), Vocabulario de la lengua Tagala (Sanlucar), Diccionario del idioma de los Aetas (Santa Rosa), Diccionario Ilocano (Serrano), Diccionario Castellano-Calamiano-Castellano (Virgen de Monserrate), Diccionario de la lengua Ibanag (Ynigues); (d) circa 1800- mga diksyonario o bokabulario sa Batan-Castellano, Tiruray-Español (Bencuchillo at Bennasar), Bisaya (Aparicio), Tagalo-Aleman (Blumentritt), Visaya-Castellano (Monasterio), Ibanag-Español (Bugarin, Rodriguez), Español-Ibanag (Payo), Vocabulario Ibanag (Gayacao), Iloco-Español (Carro), Iloco-Castellano (Inderias y Viso), Isinay-Español (Vasquez), Pangasinan-Español (Cosgaya, Villanueva), Castellano-Pangasinan (Macaraeg), English-Sulu-Malay (Cowie), Tagalo-Castellano (Fernandez Luciano, Martin), Hispano-Tagalog (Serrano Laktaw), Español-Panayano (Gayacao), Bagobo-Español-Bagobo (Gisbert), Sulu at Malay (Haynes),), Magindanao-Español (Juanmarti), Bikol (Lisboa, Perfecto), Gaddana (Sierra), German-Bontoc-Banaue-Lepanto-Ilocano (Schadenberg).

Ang binigay sa itaas ay iilan lamang sa mga sinulat ng mga prayle sa panahong ito. Ang mas kompletong bibliograpiya ay isinulat ni Jack Ward (1971). Malinaw na malaki ang kontribusyon ng mga Kastila sa linggwistiks sa Pilipinas dahil sa mga panimulang pag-aaral na nagsilbing unang hakbang tungo sa siyentipikong pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa mga iskolar na sumunod sa kanila. Dagdag nito, ang kanilang mga pag-aaral ay iniingatan ng kani-kanilang mga orden kaya ang karamihan nito ay makikita pa hanggang ngayon, bagama’t nakamicrofilm o nakaarkibo na o naka-exhibit na lamang sa Rare Books ang Manuscript Sections sa kanilang aklatan o sa mga pambansang aklatan.

Mga Pag-aaral mula 1898-1998

Iilang pag-aaral ng mga dayuhan. Ang Gramatica Bisaya (Guillen), Diccionario de idiomas Filipinos (Blumentritt), Vocabulario Pangasinan-Castellano (Austria Macaraeg) ay iilan sa mga pag-aaral noong 1898.

Ang siyentipikong pag-aaral sa wika ay nagsimula pagdating ng mga Amerikano. Ang mga mahalagang pag-aaral sa panahong ito ay isinagawa nina Cecilio Lopez, Morice Vanoverberg, Otto Scheerer, Hermann Costenoble, Carlos Everett Conant, Frank R. Blake, and Leonard Bloomfield.

Ang anim na artikulo ni Costenoble ay tungkol sa mga salitang ugat na binubuo ng isang pantig lamang (monosyllabic), sa pagkakaiba at pagkakahawig ng mga tunog sa iilang major na wika sa Pilipinas, at ikinumpara rin niya ang mga pandiwa sa mga wikang ito. Si Otto Scheerer ay maraming naisulat, simula ng 1909 hanggang 1932, tungkol sa mga wika sa hilagang Luzon --Kalinga, Ilongots, Isinai, Batak, Isneg, at Bontoc. Si Vanoverbergh ay sumulat ng gramatika at diksyonaryo ng Iloko, mga etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay.

Si Conant ay may mga sampung pag-aaral tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1908 hanggang 1916. Kabilang na rito ang mga pag-aaral sa ponolohiya ng Turirai (1913); ang ebolusyon ng "pepet vowel" sa 30 wika sa Pilipinas; ang mga tunog na "f" at "v" sa iilang wika sa Pilipinas; at ang correspondence ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL at R-L-D-G sa mga wika sa Pilipinas--na kung saan iklinasipay niya ang mga wikang Tagalog, Bikol, Bisaya, Ibanag, Magindanao, Tausug, at Bagobo bilang "g-languages," ang Ilokano at Tiurai,"r-language," ang Pangasinense, Kankanai, Ibaloy, Bontoc, at Kalamian "l-languages," at ang Kapampangan, Ivatan, Sambal, "y-languages." Tiningnan rin niya ang ebolusyon ng tunog na /l/ sa Indonesia sa Tagalog, Bisaya, Bontok, Kankanay, Samal, Mandaya, Isinai, Sambali, Inibaloi, Ivatan, at Ilongot. May mga pag-aaral rin siya tungkol sa gramatika ng wikang Isinai at sa mga salitang ugat sa Kapampangan na naging monosyllabic.

Si Blake ay sumulat ng mga 15 na artikulo tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911 hanggang 1950, ang pito nito ay tungkol sa wikang Tagalog. Ang kanyang gramatika sa wikang Tagalog ay tinagurian ni Constantinobilang pinakamahalagang kontribusyon ni Blake sa linggwistiks sa Pilipinas.

Ang gramatikal na pagsusuri ni Bloomfield sa wikang Tagalog ay ang pinakamagaling na naisagawa sa anumang wika sa Pilipinas ayon kay Cecilio Lopez. Malaki ang naiambag nito sa pag-aaral morpolohiya at sintaks sa Tagalog. Maliban dito, sinuri din ni Bloomfield ang sintaks ng Ilocano.

Kabilang sa mga dayuhan na nag-aaral sa mga wika sa Pilipinas si John U. Wolff ng Unibersidad ng Cornell. Cebuano ang kanyang espeyyalisasyon. Sumulat siya tungkol sa morpolohiya, sintaks ng Cebuano at ng mga pedagodyikal na libro. Lumabas noong 1972

ang kanyang diksyonaryo ng Cebuano Visayan. Isa pang iskolar sa mga wikang Bisaya ay si David Zorc na siyang nagklasipay ng mga wikang Bisaya at gumawa ng rekonstruksyon sa mga ito (1975). Gumawa din ng gramar sina Dubois sa Sarangani Manobo, Wolfenden sa Hiligaynon, Bell sa Cebuano, Eyestone sa Ilocano.

Ang iilan sa mga wika na nagawan ng gramar, diksyonaryo o bokabularyo mula 1898 hanggang sa kasalukuyan at ang mga dayuhang iskolar na gumawa ng pag-aaral ay ang mga sumusunod: Abaknon, Pallesen; Agta: Central Cagayan, Oates at Oates, Mayfield at Mayfield; Dupaninan Agta, Nickell at Nickell; Agutayen, Hendrickson atbp; Aklanon, Zorc; Bikol, Mintz, McFarland; Balangao-Ilocano-Pilipino, Shetler; Bantoanon, Hindrickson at Kilgour; Batak -Mayer at Rodda, Warren; Binukid, Gardner; Bukidnon, Lynch, Gardner at Post; Bilaan, Word; Sarangani Blaan, Blackburn; Koronadal Bilaan, Rhea at Rhea; Bolinao, Persons at Persons; Bontok, Reid;Barlig Bontoc, Gunther; Buhid, Hanselman atbp; Dumagat -Casiguran Dumagat, Headland at Headland; Umiray Dumagat, Macleod atbp; Ga’dang, Troyer, Forfia at Walrod; Hanunoo, Conklin; Hanunoo-Mangyan-Ambahan, Postma; Ibaloi, Ballard, Conrad at Longacre; Ibanag, Santo Tomas; Ibatan, Maree at Maree, Larson; Ifugao -Batad, Newell at Newell; Amganad Ifugao, West at Madrid; Kiangan Ifugao, Barton; Ifugaw, Beyer at Lambrecht; Mayoyao Ifugao, Hodder at Kerley; Tuwali Ifugao, Hohulin at Hohulin; Igorot -Bontok Igorot -Clapp, Seidenadel, Waterman; Lepanto Igorot, Vanoverbergh; Sagada Igorot, Scott, Eggan; Ilocano -Williams, Williams at Gaces, Yamamoto (English-Ilocano-Pangasinan-Japanese), Eyestone; Ilongot, Fox; Iraya, Page at Dombre; Itawis, Richards at Richards; Itbayaten, Yamada; Binogan Itneg, Walton.

Kalagan -Kagan Kalagan, Wendel atbp. Tagakaulo Kalagan, Murray at Murray; Kagayanen, Huggins at Pebley, MacGregor at MacGregor; Kalinga -Timog Kalinga, Grayden; Pilipino-Ilokano-Timog Kalinga, Grayden atbp.; Guinaang Kalinga, Gieser; Limos Kalinga, Wiens at Wiens; Upper Tanudan Kalinga, Brainard; Lower Tanudan Kalinga, Thomas at Thomas; Kankanay, Allen at Allen; Northern Kankanay, Wallace; Keley-i Kallahan, Hohulin at Hohulin; Maguindanao -Porter, Fleischman, Moe; Mamanwa, Miller at Miller; Mandaya: Dibabaon Mandaya, Bernard at Forster; Mangyan -Gardner, Barbian; Manobo -Sarangani Manobo, Dubois; Central Mindanao, Western Mindanao Manobo, at Bukidnon Manobo, Elkins at Elkins; Cotabato Manobo, Errington atbp; Obo Manobo, Khor atbp; Agusan Manobo, Schumacher; Ilianen Manobo, Wrigglesworth; Mansaka -Thomas at Thomas, Svelmoe at Svelmoe; Maranao -Laubach at Zwickley, Hamm atbp.,McKaughan at Macaraya; Masbatenyo, Wolfenden at Wolfenden; Molbog, Thiessen at Thiessen; Negrito Tayabas, Garvan; Palawano, Duhe at Duhe; Pampango -Parker, Forman; Pangasinense -Rayner, Benton; Samal, Bartter, Tawitawi Samal, Conklin; Sama -Sama Sibutu, Allison; Sama Japun, Conklin, Forman; Pangutaran Sama, Walton atbp, Southern Sama, Allison, Drake at Drake; Proto-Sama Badjaw, Pallesen; Sama Balangingi, Diment atbp. Sama Abaknon, Jacobson at Jacobson; Sambal: Botolan Sambal, Houck, Tina Sambal, Goschnick; Sangir -Lightbody, Maryott atbp; Subanon -Churchill, Frake, Brichoux at Brichoux; Western Subanen, Hall at Hall; Sulu -McCutchen; Sulu-Malay-Yakan, Gunther at Whitaker, Johnson; Tagabili -Lindquist, Forsberg, Maryott atbp, Moran atbp, Porter at Hale; Tagalog -Anceaux, English, Haynor, Ignashev (Ruso-Tagalog-Ruso), Kasai, Neilson, Nigg, Bickford at Bickford, Wolff (Deutsch-Tagalog); Tagbanua, Fox, Dubois, Green at Green; Taosug -Link, Ashley at Ashley, Copet; Tiruray -Post at Strohsahl, Schlegel, Wood, Thomas atbp; Visaya-Español -Alcazar, Medalle y Zaguirre; Visaya-English -Allin, Cohen atbp., Hall at Custodio, Maxfield, Kaufmann, Lynch, Rafferty, Jonkergouw at Mierhofer, Meiklejohn at Meiklejohn, Nelson; Yakan, Sherfan, Behrens.

May mga dayuhang iskolar din na nagklasipay sa mga wika sa Pilipinas tulad nina Conklin, Dyen, Thoma s at Healy, Chretien, McFarland, Pallesen, Reid, Walton, Zorc.

Mga pag-aaral ng mga linggwistang Pilipino

Si Cecilio Lopez ay ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Natapos niya ang kanyang Ph.D sa Linggwistiks sa Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Sinulat niya noong 1940 ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama ang Tagalog bilang batayang wika sa wikang pambansa. May mga humigit-kumulang 30 na pag-aaral ang naisagawa ni Lopez tungkol sa mga ponolohiya, morpolohiya, sintaks ng mga wika sa Pilipinas mula 1928 hanggang 1967. Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog at Malay at ang pangkalahatang katangian ng mga wika sa Pilipinas.

Isa pang kilalang linggwista sa Pilipinas ay si Ernesto Andres Constantino. May mga 11 na artikulo kanyang naisulat mula 1959 hanggang 1970. Isinulat niya noong 1964 ang "Sentence patterns of the ten major Philippine languages" na naghahambing sa istruktura ng mga pangngusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausug, Ilokano, Ibanag, Pangasinense, Kapampangan. Sa 1965 lumabas ang kanyang "The sentence patterns of twenty-six Philippine languages." Tinatalakay dito ang uri ng mga pangungusap batay sa mga istruktura na bumubuo nito at ang mga kaukulang transpormasyon. Ikinumpara rito ang mga major na wika at ang iilang maynor na wika tulad ng Abaknon, Bolinao, Botolan, Isinai, Itbayat, Itneg, Ivatan, Malaweg, Manobo, Sama Bangingi, Igorot, Tausug, Ternate, Tingguian, Ylianon, at Yogad.

Noong 1970 ay sinulat niya ang "Tagalog and other major languages of the Philippines" na naglalahad ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naisagawang pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila hanggang 1970. Lumabas ang pre-publication na isyu ng kanyang English-Filipino Dictionary noong 1996 at noong 1997 naman ay lumabas ang Diskyonaryong Filipino-Ingles. Bukod nito nasulat rin niya ang sumusunod na mga bilinggwal na diksyonaryo sa Ingles at Ilocano, Aklanon, Bikol, Cebuano, Kapampangan, Kinaray-a, Pangasinan, Romblomanon, Sambal, Waray-waray, Tausug, at ang Comparative dictionary of Tagalog.

Si Consuelo Joaquin. Paz ay sumulat ng deskripson at ebalwasyon sa mga naunang pag-aaral sa humigit-kumulang 50 na maynor na wika sa Pilipinas, kabilang na nito ang Agta, Aklanon, Binukid, Dibabaon, Itbayat, Kankanay, Kalinga, Kinaray-a, Mansaka, Mamanwa, Manobo, Tagakaolo, Tagabili, Tausug,Yogad. Kasali rin ang Bagobo, Bontoc, Bilaan, Chavacano, Kuyunin, Dumagat, Gaddang, Ibanag, Ifugao, Ilongot, Isinay, Itawis, Ivatan, Magindanao, Maranao, Mangyan, Nabaloi, Sambal, Sangir, Subanon, Tiruray, Tagbanwa, at Yakan. Isa pang malaking ambag ni Paz sa linggwistika sa Pilipinas ay ang kanyang historikal na pag-aaral na pinamamagatang "A Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and Morphemes" (1981).

Si Fe Otanes ang katuwang na awtor ni Paul Schachter sa pagsulat ng gramatika ng wikang Tagalog (1972) na nakatulong sa maraming iskolar sa larangang ito. Sumulat din ng gramar sa Ivatan si Hidalgo at Hidalgo; si Barlaan sa Summer Institure of Linguistics (SIL) sa Isneg; si Bunye at Yap, Luzares at Rafael, Doroteo, at Trosdal sa Cebuano. Si Viray ay may ginawa ring komparatib na pag-aaral sa mga gitlapi sa mga wika sa Pilipinas

Si Teodoro Llamzon ay gumawa rin ng pag-aaral sa ponolohiya at sintaks ng Tagalog. Nalimbag ang dalawa niyang klasipikasyon sa mga wika sa Pilipinas (1966 at 1969). Maliban dito ay tinuonan din niya ng pansin ang debelopment ng pambansang wika at ang pagplano nito. May mga ilang artikulo din siyang naisulat tungkol sa pagtuturo ng wika.

Ang iilan sa mga iskolar na tumatalakay sa mga palisi at pagpaplano ng wika at sa wikang pambansa, bilinggwalismo at nasyonalismo ay sina Andrew B. Gonzalez, Bonifacio P. Sibayan, Pamela C. Constantino. Sina Ma. Lourdes Bautista, Emy Pascasio, Jonathan Malicsi, Zeus Salazar, Casilda Luzares ay nagbibigay pansin naman sa sosyolinggwistiks.

Sa larangan ng leksikograpiya, maraming Pilipinong iskolar ang namumukod. Isa na rito si Jose Villa Panganiban na sumulat ng mga diksyonaryong sumusunod: English-Tagalog vocabulary (1946), Talahulugang Tagalog-Ingles (1952-64), Tesauro diksiyonaryo Ingles-Pilipino (1965-66), Talahulugang Pilipino-Ingles (1966), Concise English-Tagalog dictionary (1969), Diksiyunaryong Pilipino-Ingles (1970), Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles (1972), Comparative semantics of synonyms and homonyms in Philippine languages (1972).

Si Julio Silverio ay gumawa ng mga diksyonaryo sa Ingles-Pilipino-Ilocano, Ingles-Pilipino-Pangasinan, Pampango-Pilipino-Ingles noong 1976; Pilipino-Pilipino, Bicolano-Pilipino-Ingles, Ingles-Pilipino-Bicolano noong 1980. Si Mario Tunglo ay gumawa ng trilinggwal na diksyonaryo sa Ingles-Pilipino at Ilocano, Bicolano, Cebuano, Ilongo, Maranao, Pampango, Pangasinan, Waray at ng bilinggwal Ingles-Pilipino, Pilipino-Ingles mula 1986 hanggang 1988.

Ang iba pang mga diksyonaryo na nagawa ng mga Pilipinong iskolar sa panahong ito ay ang mga sumusunod: Tagalog/Pilipino -Tagalog-Ingles o Ingles-Tagalog -Anacleto, Buhain, Daluz, Jacobo, Ignacio, Laya at Laya, de Leon, Mallari at Tablan, Aldave-Yap, Manalili, Macapinlac at de Dios; English-Tagalog-Spanish, de Guzman atbp, Ignacio; Kastila-Tagalog, Paglinawan; Nippongo-Pilipino, Verzosa; English-Tagalog-Ilokano -Calderon, Calip, Calip at Resurrection, Silverio, Dagdagan, Cacdac at Cacdac; Ingles-Español-Ilocano-Pangasinan, Garcia; English-Tagalog-Ilokano-Visayan, Dizon; Español-Ilocano -Pacifico; Cebuano -Bas, Bunye at Yap, Cabonce, Cuenco, Custodio, Trosdal; English-Visayan-Spanish, Gullas; English-Visayan-Tagalog, Hermosisima at Lopez, Rudifera, Guerrero, Jamolangue; Bikol -Belen, Imperial; Ingles-Bikol-Castila, Dato; Pampango-Castellano-Ingles -Dimalanta atbp; English-Tagalog-Pampango, Manalili at Tamayo; Hiligaynon-English -Maroma, Motus; English-Tboli-Pilipino-Hiligaynon, Gendulan; Waray-waray-Pilipino, Andrada; Subanu-Visayan-Spanish-English, Lagorra; Sindangan Subanon-Cebuano-Pilipino-English, Guilingan atbp; Matigsalug Manobo, Manuel; Bilaan, Macabenta; Gaddang -Calimag; Tausug, Usman; Chabacano-English-Spanish, Camins at Riego de Dios.

Lumabas noong 1995 ang komprehensibong English-Pilipino Dictionry nila Vito C. Santos at Luningning E. Santos. Ito ay may 20,000 main entries na napaloob sa mahigit 1,600.

Sa larangan naman ng anthropological linguistics, si Dr. Prospero R. Covar ay may pag-aaral tungkol sa Balarila ng Wika (hindi pa nalimbag). Dito ay kanyang dinadalumat ng kulturang Tagalog sa pamamagitan ng wika.

Ang listahang ito sa linggwistik na mga pag-aaral ay hindi kompleto. Gayun pa man, maaring naipakita sa pamamagitan nito ang mga debelopment sa pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas mula sa panahon ng mga Kastila, sa rehimen ng mga Amerikano, at sa kontemporaryong panahon kung saan ang mga Pilipino mismo ang nag-aaral sa sarili nilang mga wika.

Linggwistiks at ang isyu ng wikang pambansa

Ang wikang pambansa ay matagal nang naging isyu sa kapuluan ng Pilipinas na mayroong mahigit sa isangdaang etnolinggwistikong grupo. Ang usaping ito ay nagsimula noong 1908 pa kung kailan ipinasa ang panukalang batas na nagtakda sa pagtatag ng Institute of Philippine languages at ang pagsasanay sa mga guro sa gawaing ito. Tinanggihan ito sa Asembleya sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Leon Ma. Guerrero na nagpahayag sa kanilang desisyon na wikang dayuhan, sa halip na katutubong wika, ang tugon sa pangangailan ng isang komon na wika sa Pilipinas.

Gayun pa man, iminungkahi ni G. Butte, ang ex-officio na Kalihim sa Instruksyong Pampubliko noong 1931, na gamitin ang bernakular bilang wikang pangturo sa mga antas I hanggang IV sa elementarya. Itinaguyod ito ni Representante Manuel V. Gallego sa kanyang pagpasa sa Panukalang Batas Bilang 588 na nagtakda sa wikang bernakular bilang wikang panturo sa elementarya at sekondarya sa lahat ng paaralang pampubliko.

Tinalakay ang isyu ng wikang pambansa sa Kombensyong Konstitusyonal noong 1935 at itinakda sa Seksyon 3 Artikulo XIII ang pagdebelop ng isang wikang komon batay sa mga sinasalitang wika sa Pilipinas. Tinatag ang National Language Institute noong Nobyembre 13, 1936 alinsunod sa Commonwealth Act Bilang 184 at inatasang gampanan ang isinasaad sa Sek. 3 Art XIII. Noong 1937 inirekomenda ng Institute ang Tagalog bilang wikang pambansa. Tinawag itong Pilipino ng Kagawaran ng Edukasyon noong 1959. Sa pasukan ng taong 1974-75, gradwal na ipinatupad ang paggamit ng Pilipino bilang wikang panturo sa mga sabjek na Rizal at Kasaysayan sa mga unibersidad at kolehyo. Inumpisahan ng Board of National Education noong Agosto 7, 1973 ang bilinggwal na programa sa edukasyon --ang paggamit sa bernakular sa Grade I at II, Pilipino sa Grade III at IV, at Pilipino at Ingles sa hayskul at kolehyo.

Itinakda sa Konstitusyon ng 1973 na itaguyod ng National Assembly ang pagdebelop at ang pormal na pagtanggap sa komon na wikang pambansa na tinaguriang Filipino. Itinakda rin sa Konstitusyon ng 1987 na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino; habang ito ay nililinang, dapat itong payamanin at palaguin batay sa mga wikang ginagamit sa Pilipinas.

Ano ba ang Filipino? Ito ba ay Pilipino o Tagalog? Ito "ang tinatawag naming lingguwa prangka o Filipino" (Constantino, 1966: 180), "ay isang wikang kompromiso," (Atienza, 1996), "ang kulturang popular na nagmula sa Metro Manila at pinalaganap sa buong kapuluan" (Flores, 1996), "ang English-Tagalog code switch (Cruz, 1997). Kapansin-pansin ang pagkakaisa ng mga pahayag na ang Filipino ay ang kasalukuyang lingua franca sa Metro Manila na lumalaganap sa mga sentro ng mga rehiyon sa pamamagitan ng radyo, telebisyon, diaryo, sa mga kanta ng mga lokal na rock band. Ginagamit na rin ito bilang wika sa akademya.

May kaibhan ba ang Filipino sa Pilipino? Ipinahayag ni Dr. Ernesto Constantino ang kaibhan sa dalawa: (1) Mas marami ang tunog o ponema ng Filipino; (2) magkaiba ang ortograpiya nila; (3) maraming hiram na salitang Ingles ang Filipino; (4) iba ang gramatikal na konstruksyon sa Filipino.

Hindi maipagkaila ang kahalagahan ng linggwistiks sa pagdebelop ng wikang pambansa. Ang syentipikong pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas ay mahalagang hakbang tungo sa isang komon na wika. Ang pagsusuri ng mga cognate set sa iba’t ibang wika ay magbibigay ng ko